Sabado, Disyembre 17, 2016

Rape Is Rape




PANGGAGAHASA


     
     Ang panggagahasa ay uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik na sinimulang labanan sa isa o higit pang indibidwal na walang pahintulot. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pisikal na lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan  o laban sa taong hindi makapagbigay ng pahintulot, katulad ng isang taong wala sa tamang edad, walang malay, o baldado

     Ang mga taong ginahasa ay maaaring malubhang matroma at magdusa mula sa post-traumatic stress disorder; bilang karagdagan sa sikolohikal na pinsala. Ang panggagahasa ay maaring maging sanhi ng pisikal na pinsala at karagdagang resulta, tulad ng sakit na nakukuha sa pagtatalik, o pagbubuntis. Higit pa rito, pagkatapos mangyari ang panggagahasa, maaaring harapin ng karahasan o pagbabanta ng biktima mula sa nanggahasa, at sa ilang kultura, mula sa pamilya at mga kamag-anak ng biktima.

     Sa kasalukuyan ay mayroong umiiral na batas laban sa panggagahasa sa Pilipinas.
Ito ang Republic Act No. 8353 o The Anti-Rape Law of 1997 na pinalawak ang depinisyon ng krimen na rape at inamyendahan ang Revised Penal Code upang higit na mapaigting ang kampanya ng mga awtoridad laban sa mga kaso ng panggagahasa.

    Nilabag ng isang kriminal ang karapatang pantao na makipagtalik sa biktimang hindi  pinahintulotan na gawin ang pakikipagtalik. Walang karapatan ang kriminal sa buhay ng biktima dahil tayong lahat ang may karapatan sa ating buhay na mamili at sundin kong ano ang gusto natin at ano ang tama para sa ating buhay. 

   Huwag nating gawing biro ang tinahas ng isang rape victim dahil hindi biro ang mawasak at ma-abuso ang iyong pagkatao lalo pa't ikaw ay may pinanghahawakang mga pangarap na gusto mo pang matupad. Tulungan natin silang magkaroon ng lakas na loob at huwag matakot para naman makamit ang hustisya.  
     
     "Violence toward women isn't cultural, it's criminal"
                                              
                                                  -Hillary Clinton

#RapeIsNotJoke
#Respect
#NoMeansNo